Tagalog

Mabuhay! Ako si María Elena Durazo, Senador ng Estado. Buong karalangan kong kinakatawan ang Distrito 24 ng Senado, na kinabibilangan ng mga kapitbahayan sa Los Angeles ng Boyle Heights, El Sereno, Highland Park, Eagle Rock, Glassell Park, Mt. Washington, Cypress Park, Lincoln Heights, Atwater Village, Elysian Valley, Arlington Heights, Echo Park, Silver Lake, Los Feliz, East Hollywood, Little Armenia, Thai Town, Larchmont, Koreatown, Pico-Union, Westlake-MacArthur Park, Historic Filipinotown, Chinatown, Little Tokyo, Arts District, Civic Center, City Terrace, at East Los Angeles.

Handa na akong simulan at malugod na ipagpatuloy ang pagkilos para sa ating komunidad sa Senado ng Estado. Nananabik akong magtrabaho sa paggawa ng batas na positibong makaaapekto sa ating mga komunidad at sa California. Madalas na tumingin dito para sa mga update sa kung ano ang ginagawa ng aking tanggapan para sa mga mamamayan ng SD 24. Samantala, kung kailangan ninyo ng tulong sa mga serbisyong lokal o pang-estado, mangyaring tumawag sa (213) 483-9300.

Sumasainyo,

Senador ng Estado María Elena Durazo


Ipinanganak si María Elena na ikapito sa labing-isang anak ng pamilya ng mga magulang na migranteng manggagawa. Lumaki si María Elena na naglalakbay kasama ang kaniyang pamilya, nang sumusunod sa mga tanim sa lahat ng dako ng California at Oregon, at nakaranas ng mga mapagsamantalang kondisyon at kahirapan na pinagdurusahan ng mga migranteng manggagawa.

Sa kabila ng mga balakid na ito, dumalo si María Elena sa St. Mary's College sa Maraga, California, at nagtapos noong 1975. Noong kolehiyo ay nakilahok siya sa Kilusang Chicano dulot ng paghimok ng kaniyang nakatatandang kapatid na lalaki. Pagkatapos ay pumasok siya sa kilusang manggagawa bilang tagapag-organisa para sa International Ladies Garment Workers Union o Internasyonal na Unyon ng Mga Babaeng Manggagawa ng Damit (nang maglaon ay tinawag na UNITE, ang Union of Needletrades, Industrial and Textile Employees o Unyon ng mga Empleyado sa Kalakalan ng Mga Damit, Pang-industriya at Tela).

Habang nagsisilbi bilang tagapag-organisa ng unyon, kumuha siya ng edukasyon sa batas sa People's College of Law at nagtapos noong 1985.

Noong taong 1987, handa na si María Elena na mamuno sa pagkilos ng mga miyembro ng HERE Lokal 11 upang gawing mas nakatutugon ang unyon sa mga miyembro nito na pangunahing binubuo ng mga Latino. Matagumpay na naitaguyod ng nag-oorganisang pagkilos ang sistema ng paghalal ng kumakatawan sa manggagawa (shop steward) na nagpabatid sa mga miyembro ng kanilang mga karapatan, nakikilahok na ngayon ang mga manggagawa sa pakikipagkasundo ng kanilang mga kontrata ng unyon at mula noon, ang lahat ng mga pagpupulong at lathalain ay ginawang bilingguwal.

Sa taong 2004, siya ay naging Ehekutibong Bise-Presidente ng UNITE-HERE International, ang organisasyong nabuo noong nagsanib ang mga unyon ng UNITE at HERE.

Noong 2008, naglingkod si María Elena Durazo bilang Pangalawang Tagapangulo ng Democratic National Committee (Demokratikong Pambansang Komite) at bilang Pambansang Ka-Tagapangulo ng Barack Obama Presidential Campaign (Kampanyang Presidensiyal ni Barack Obama).

Mula 2006 hanggang 2014, siya ang unang babaeng Sekretarya-Ingat-Yaman ng Los Angeles County Federation of Labor (Pederasyon sa Paggawa ng County ng Los Angeles), AFL-CIO, ang ikalawang pinakamalaking konseho sa paggawa sa bansa at naglingkod sa National AFL-CIO Executive Council (Pambansang Ehekutibong Konseho ng AFL-CIO).

Bukod sa kanyang gawain sa unyon, nagsilbi rin si María Elena sa maraming komisyon at lupong sibiko. Itinilaga siya ng Mayor ng Los Angeles na si Tom Bradley sa Los Angeles Commission on Airports (Komisyon sa Mga Paliparan ng Los Angeles), itinilaga siya ni Mayor Richard Riordan sa Los Angeles Parks and Recreation Committee (Komite sa Mga Parke at Libangan ng Los Angeles) at nagsilbi rin siya sa California State Coastal Commission (Komisyon sa Baybay-Dagat ng Estado ng California).

Ikinasal si María Elena sa pumanaw na pinuno ng unyon na si Miguel Contreras, na naglingkod bilang Ehekutibong Sekretarya-Ingat-Yaman ng Los Angeles Federation of Labor (Pederasyon ng Paggawa ng Los Angeles) mula 1996 hanggang sa kaniyang maagang pagkamatay noong Mayo 6, 2005.  Mayroon siyang dalawang anak kay Miguel Contreras, si Mario at Michael Contreras.


Maaaring Makatulong ang Mga Kawani ng Distrito sa mga Bagay na may Kinalaman sa Estado:

  • Department of Motor Vehicles (Kagawaran ng Mga Sasakyang De-motor)
  • Mga Programa sa Pag-iwas sa Pagremata
  • Mga Reklamo ng Mamimili
  • Mga Benepisyo ng Mga Beterano
  • Insurance sa Kawalan ng Trabaho at sa Kapansanan
  • Mga Buwis ng Estado
  • Mga Reklamo sa Propesyonal na Gawi o Paglilisensiya
  • Medi-Cal at Covered California

Mga Sanggunian sa Komunidad

  • Pabahay/Mga Utilidad
  • Suporta sa Pamilya/ Komunidad
  • Pagkain
  • Legal/ Pangmamimili/ Pampublikong Kaligtasan
  • Pangangalagang Pangkalusugan
  • Suporta sa Kita/ Pagtulong
  • Pananamit/ Personal/ Pambahay
  • Kalusugang Pangkaisipan/ Mga Pagkalulong
  • Trabaho

Makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Distrito (213) 483-9300

Maaaring Makatulong ang Kawani ng Kapitolyo sa mga Bagay na may Kinalaman sa Paggawa ng Batas:

  • Magpahayag ng Opinyon
  • Magmungkahi ng Bagong Batas
  • Humiling ng mga Kopya, Buod, at Impormasyon sa mga Panukalang-Batas
  • Makilahok sa Proseso ng Paggawa ng Batas
  • Humanap ng Impormasyon kung Paano Nagiging Batas ang isang Panukalang-Batas
  • Maabisuhan tungkol sa Mga Lehislatibong Pagdinig
  • Mag-ulat ng Maling Paggawi ng Ahensiya

Makipag-ugnayan sa Tanggapan ng Kapitolyo: (916) 651-4024